LUNGSOD NG LUCENA- Nakamit ng mga kinatawan ng Quezon Department of Education, Culture and Sports (DECS) ang pagiging Best Group, Flower Shop Owner of Lucena ang 1st Runner Up, at Rural Barangays ang 2nd Runner sa grand parade sa Pasayahan sa Lucena 2001 noong May 28 sa lunsod na ito.
Samantala, sa float category ay nakamit ang Best Float ng Provincial Government, Queen Margarette sa 1st Runner Up at Bergs sa 2nd Runner Up.
Ang ipinamalas ng Quezon-DECS ay ang kaanyuan ng Commonwealth government, ang Penagbenga Festibal sa FSOL at Mascara Festival sa Rural Barangays.
Sa float design ang Death March ng Provincial Government, Philippine Independence sa Queen Margarette at Battle of Mactan sa Bergs.
Sa pamumuno ni Benito Javierto Brizuela, Chairman Executive Committee, ang selebrasyon ay nilahukan ng government offices at non-governmental stations (NGO’s) na may temang: Mga Kasaysayan ng Lahi at Kultura.
Sinimulan ng The Colors 100 Flags and 10 Centennial Flags, SOLCOM, Bureau of Fire Protection, Philippine Police Academy (PNPA) Cadets, Grand Marshal at Executive Committee ang naturang parada, na sinundan naman ng naggagandahan at naglalakihang Floats na kalahok sa paligsahan.
Kitang-kita ang preparasyon ng mga kalahok sa pamamagitan ng kanilang floats at ganundin sa pag-indak sa popular na musika ng International Singer na si Larusso.
Ang Pasayahan sa Lucena 2001 ay dinaluhan din ang mga paboritong artista tulad nina Bojo Molina, Dimples Romano, Julio Diaz at Rudy Fernandez na sadyang nakadagdag ng saya sa mga manonood. (Maro Flancia/Aileen Pasacsac)